Miyerkules, Nobyembre 2, 2016

INTRODUKSYON



~ Libutin natin ang Quezon City ~


Maganda ang Quezon City. Puno ito ng mga magagandang lugar.

Hindi gusto ng karamihan na libutin ang Quezon dahil ito ay napaka-urban at puno na lugar, ngunit marami namang magandang lugar dito. Gusto ko mapakita sa blog na ito ang kagandahan ng mga lugar sa Quezon City.

LA MESA ECOPARK



Ang Entrance ng Eco Park*


Ang La Mesa Eco Park ay isang park na katabi ng La Mesa Dam sa Quezon City. Ito ay isang 'lugar ng kalikasan sa kalagitnaan ng siyudad.'

Marami itong attractions at activities na pwedeng gawin. Ilan sa mga paborito gawin dito ay ang biking (pwede ka magrenta o magdala ng sarili mong bike), pag-pipicnic, at paglalakad habang tinignan ang magandang luntian na kapaligiran. Ngunit, mas marami pang activities ang pwede magawa dito kaysa diyan. Boating, pangingisda, wall climbing, zip-lining, archery, bungee jumping at pagpapakasaya sa malawak na ispasiyo ng park, ang ilan sa iba pang mga physical activities na pwedeng gawin. Mayroon rin silang 'Butterfly Haven' kung saan makakakita ka ng mga paruparo.


*Ang pool sa La Mesa Eco Park


Mukhang nakakatuwa ang lugar na ito. Para sa akin, mahal ko na makakita ng mga puno at kung ano-anong mga halaman kaya malaki ang interes ko sa lugar na ito. Ang mga activities na pwede gawin dito ay napakasaya rin. Makakagalaw ka talaga at makakakita ng magandang kalikasan habang nagpapakasaya.

Kung titignan ang mga presyo ng babayarin para sa mga activities dito ay mga makatwiran na presyo ang meron. Ang pagpasok sa loob ng park ay Php 50 per person lang at ang paggamit ng swimming pool dito ay Php 80 per person. May iba ring presyo para sa ibang activities dito.

Ang lugar na ito ay isang malaking ispasya para makahinga sa napakagulong siyudad. Isa rin itong oportunidad para buhayin ang sarili at makagalaw ng malaya. Isang luagr ito na hindi laging makikita sa isang siyudad kaya napakaespesyal ng lugar na ito para sa mga lokal na malapit dito. Isa itong lugar sa Quezon City na dapat puntahan!

*Picture 2 from: La Mesa Eco Park's facebook page

DAPITAN ARCADE


Isang tindahan sa Dapitan Arcade*

Kilala ang mga Pilipino sa kanilang sigasig at pagmamahal sa Pasko. Maaring nanggaling ang katangian na ito sa ating pagiging relihiyoso o sa ating pagiging masayahin.

O parehas na rason.

Basta mahal na mahal natin talaga ang Pasko. Pagpasok palang ng mga tinatawag na '-ber months' ay nagsisimula na ang mga tao maglagay ng mga palamuti para sa Pasko.

Ang Dapitan Arcade ay ang perpektong lugar para bumili ng mga dekorasyon para sa Pasko. Tuwing papalapit na ang pasko ay napupuno ito ng mga tindero ng mga gamit at mga mumurahing hiyas. Buong taon rin ay makakapunta ka dito para sa mga bagay. Ito na yata ang pinakamakulay na lugar sa Quezon City. Makikita ito sa 37 Dapitan Cor, Kanlaon St., Laurges, Quezon City.


Napakaraming mga tiangge dito na may mga makukulay at magagandang gamit at dekorasyon. Naaalala ko ang una kong pagpunta dito, maraming nakakaaliw at nakakatuwang mga gamit na pwedeng gamitin bilang regalo at dekorasyon. 

May mga mason jars, mga parol, mga belen, mga babasagin na pagpapalayok, mga laruan at napakarami pang iba.

Ang pinakanakakatuwa para sa akin tungkol sa lugar na ito ay hindi lang para sa Pasko ang lugar na ito. Sa mga panahon na hindi pasko ay napupuno it ng iba pang nakakatuwang bagay na pwede gamitin bilang sariling palamuti sa bahay o regalo. May mga muwebles dito at mga maliliit na bagay na nakakatuwang bilhin para sa sarili. Mahilig ako bumuli ng mga palamuti kaya natuwa ako bumili rito ng maraming gamit dito.

Ilan sa mga personal na bagay na pwedeng bilhin sa Dapitan Arcade*

Nakakatuwa ang lugar na ito dahil sa sari-saring uri ng gamit ng binebenta dito. Paniguradong hindi ka mababagot dito dahil maraming iba't-ibang bagay na makikita dito sa bawat pagliko. Hindi malulugi ang oras mo dahil marami kang mahahanap na bagay dito. Madali rin kausapin ang karamihan ng mga tindero dito. Isa itong lugar sa Quezon City na dapat puntahan!


ANG QUEZON MEMORIAL CENTER


Ang Quezon Memorial Shrine

Ang Quezon Memorial Circle ay isa sa pinakamasayang napuntahan ko sa mga paglilibot ko sa Quezon City. Matatagpuan ito sa R-7 Diliman, Quezon City. Maraming bagay na pwedeng gawin dito, tulad ng pagpunta sa park, sa shrine, sa mga museo, sa mga recreation places, 'tsaka sa mga garden. Personally, ang napuntahan ko palang ay yung shrine, yung garden at yung park.

Yung shrine, na centerpiece ng lugar, ay napakaganda at ito ay dedikado para sa dating Pangulong Manuel L. Quezon. Maganda yung disenyo na ginawa ni Federico Illustre. Ang disenyo ay may tatlong anghel sa tuktok ng na sumisimbolo sa Luzon, Visayas at Mindanao na may hawak na sampaguita at nakayuko sa kalungkutan. Ito ay inukit ng Italyanong si Francesco Monti

Nagustuhan ko yung garden dahil nagbebenta sila ng mga magagandang halaman. Maraming tindahan ang nakita ko noong pagpunta ko. Yung mga nagbebenta ng halaman ay mabait at nagbibigay ng impormasyon kung paano alagaan ang mga halaman na binili. Magaganda yung kulay ng halaman at nagustuhan ko yung mga kulay ng mga bulaklak. Nagbebenta rin sila ng mga halaman na pwede gamitin para sa pagkain, tulad ng mga herbs na cilantro, romero, at basil.

Yung park naman ay napakalawak. Maraming pwedeng gawin dito. May palaruan na pwede puntahan ng mga bata. Ginagamit ang malawak na lugar minsan para sa mga athletic activities. May mga lugar kung saan may nakita akong nag-pipicnic na pamilya. Mayroon ring tiangge na malapit dito.

Naging masaya ang pagpunta ko dito. Siguradong matutuwa rin ang marami dito. May mga lugar na hindi ko na puntahan na siguro ay magiging masaya rin, tulad ng mga museo, na may mga makasaysayang display tungkol kay dating Pangulong Manuel L. Quezon at sa kabuuan na rin ng Quezon City, at mga recreational places kung saan may maliit na amusement park. May mga marker rin sa circle na gusto ko makita, tulad ng World Peace Bell, na isang kampanilya na galing sa World Peace Bell Association. Magiging masaya na puntahan ang mga ito.

Ang World Peace Bell*

Ang Quezon Memorial Center ay isang napaka-nakakatuwang lugar na madaling mahahanap sa Quezon city. Nakakatuwa pumunta rito dahil ang daming pwede gawin dito. Pwede mong dalhin ang iyong mga kaibigan o mga kapamilya sa isang maliit na paglilibot sa lugar. Isa itong lugar sa Quezon City na dapat talaga puntahan!