Ang Entrance ng Eco Park*
Ang La Mesa Eco Park ay isang park na katabi ng La Mesa Dam sa Quezon City. Ito ay isang 'lugar ng kalikasan sa kalagitnaan ng siyudad.'
Marami itong attractions at activities na
pwedeng gawin. Ilan sa mga paborito gawin dito ay ang biking (pwede ka magrenta
o magdala ng sarili mong bike), pag-pipicnic, at paglalakad habang tinignan ang
magandang luntian na kapaligiran. Ngunit, mas marami pang activities ang pwede
magawa dito kaysa diyan. Boating, pangingisda, wall climbing, zip-lining,
archery, bungee jumping at pagpapakasaya sa malawak na ispasiyo ng park, ang
ilan sa iba pang mga physical activities na pwedeng gawin. Mayroon rin silang
'Butterfly Haven' kung saan makakakita ka ng mga paruparo.
*Ang pool sa La Mesa Eco Park
Mukhang nakakatuwa ang lugar na ito. Para sa akin, mahal ko na makakita ng mga puno at kung ano-anong mga halaman kaya malaki ang interes ko sa lugar na ito. Ang mga activities na pwede gawin dito ay napakasaya rin. Makakagalaw ka talaga at makakakita ng magandang kalikasan habang nagpapakasaya.
Kung titignan ang mga presyo ng babayarin para sa mga activities dito ay mga makatwiran na presyo ang meron. Ang pagpasok sa loob ng park ay Php 50 per person lang at ang paggamit ng swimming pool dito ay Php 80 per person. May iba ring presyo para sa ibang activities dito.
Ang lugar na ito ay isang malaking ispasya para makahinga sa napakagulong siyudad. Isa rin itong oportunidad para buhayin ang sarili at makagalaw ng malaya. Isang luagr ito na hindi laging makikita sa isang siyudad kaya napakaespesyal ng lugar na ito para sa mga lokal na malapit dito. Isa itong lugar sa Quezon City na dapat puntahan!
*Picture 1 from: http://radianttravels.blogspot.com/2012/06/la-mesa-eco-park-ideal-picnic-grove-for.html
*Picture 2 from: La Mesa Eco Park's facebook page
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento