Miyerkules, Nobyembre 2, 2016

DAPITAN ARCADE


Isang tindahan sa Dapitan Arcade*

Kilala ang mga Pilipino sa kanilang sigasig at pagmamahal sa Pasko. Maaring nanggaling ang katangian na ito sa ating pagiging relihiyoso o sa ating pagiging masayahin.

O parehas na rason.

Basta mahal na mahal natin talaga ang Pasko. Pagpasok palang ng mga tinatawag na '-ber months' ay nagsisimula na ang mga tao maglagay ng mga palamuti para sa Pasko.

Ang Dapitan Arcade ay ang perpektong lugar para bumili ng mga dekorasyon para sa Pasko. Tuwing papalapit na ang pasko ay napupuno ito ng mga tindero ng mga gamit at mga mumurahing hiyas. Buong taon rin ay makakapunta ka dito para sa mga bagay. Ito na yata ang pinakamakulay na lugar sa Quezon City. Makikita ito sa 37 Dapitan Cor, Kanlaon St., Laurges, Quezon City.


Napakaraming mga tiangge dito na may mga makukulay at magagandang gamit at dekorasyon. Naaalala ko ang una kong pagpunta dito, maraming nakakaaliw at nakakatuwang mga gamit na pwedeng gamitin bilang regalo at dekorasyon. 

May mga mason jars, mga parol, mga belen, mga babasagin na pagpapalayok, mga laruan at napakarami pang iba.

Ang pinakanakakatuwa para sa akin tungkol sa lugar na ito ay hindi lang para sa Pasko ang lugar na ito. Sa mga panahon na hindi pasko ay napupuno it ng iba pang nakakatuwang bagay na pwede gamitin bilang sariling palamuti sa bahay o regalo. May mga muwebles dito at mga maliliit na bagay na nakakatuwang bilhin para sa sarili. Mahilig ako bumuli ng mga palamuti kaya natuwa ako bumili rito ng maraming gamit dito.

Ilan sa mga personal na bagay na pwedeng bilhin sa Dapitan Arcade*

Nakakatuwa ang lugar na ito dahil sa sari-saring uri ng gamit ng binebenta dito. Paniguradong hindi ka mababagot dito dahil maraming iba't-ibang bagay na makikita dito sa bawat pagliko. Hindi malulugi ang oras mo dahil marami kang mahahanap na bagay dito. Madali rin kausapin ang karamihan ng mga tindero dito. Isa itong lugar sa Quezon City na dapat puntahan!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento